earned surplus (ernd súr•plas) : naipon na tubò o kiníta ng korporasyon na hindi pa naibabahagi sa mga istakholder
earnest money (érn•nist má•ni) : salapi bílang patunay ng Kasunduan sa Bilihan na nangangahulugang hindi maaaring ipagbili sa iba ang bagay na napagkasunduang ipagbilí sa loob ng takdang panahon
earphone (ír•fown) : aparatong pantaínga na nakatutulong sa pandinig o nakatatanggap ng komunikasyong panradyo o pantelepono
ease (is) 1: ginhawa3,5 2: kawalan ng pagkainip at pagkabalísa 3: kariwasaan 4: pagiging madali 5: pamamahingá1
easel (í•sel) 1: patungán ng kambas 2: kabalyéte4 3: kalipunan ng mga likha ng isang pintor o ilustrador
easement (ís•ment) 1: karapatan na magamit ang lupa ng iba 2: pasánin na nakapataw sa isang ari-arian na hindi natitinag para sa kapakanan ng ibang ari-arian na hindi natitinag