é•le•men•tál, e•le•mén•tal 1: kaugnay ng apat na elemento 2: may kaugnayan sa kapangyarihan ng kalikasan 3: maihahambing sa puwersa ng kalikasan 4: hindi compound 5: pángunáhin
e•le•men•tár•ya 1: payák1 2: ukol sa pinakabatayang kaalaman hinggil sa paksa 3: mababàng paaralan 4: hindi nabubulok; hindi na maaaring hatiin sa lalong payak na bahagi
é•le•mén•to 1: a. substance na hindi maaaring hatiin upang gawing higit na simpleng mga substance b. alinman sa apat na mga substance (lupa, tubig, hangin, at apoy) sa sinauna at midyibal na pilosopiya 2: sangkap o bahagi ng isang kabuuan 3: batayán 4: pagkatáo 5: sa Eukaristiya, ang tinapay at alak
e•le•pán•si•yá : pamamagâ ng katawan, lalo na ng mga biyas dahil sa parasitikong nematode na humahadlang sa daloy ng lymph
e•le•pán•te : mammal (family Elephantid) na napakalakí, may ngusong nakapupulupot at mahabàng mga pangil na nakakurba