enclave (én•kleyv) 1: bahagi ng teritoryo ng isang estadong napalilibutan ng teritoryo ng iba 2: pangkat ng mga tao na naiiba ang kultura, pag-iisip, kaalamán, kostumbre, at panlipunang estruktura sa iba pang pangkat na nakapaligid sa kanila
enclosure (en•kló•syur) 1: pook na nakukulóng ng bakod o harang 2: bákod1 3: bagay na kalakip ng liham
encore (áng•kor) 1: masigabo at patúloy na palakpakan ng manonood bílang kahilingang bumalik sa tanghalan ang nagsiganap 2: pagbalik sa tanghalan sa kahilingan ng mga manonood 3: bílang na ginanap sa muling pagbalik sa tanghalan
-ency (én•si) : pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng kalidad o katayuan, hal presidency, efficiency
endemic species (en•dé•mik is•pí• sis) : espesye o subespesye na matatagpuan lámang sa isang tiyak na pook