es•ta•pi•ló•ma : paglabas o pagluwa ng alinmang bahagi ng bílog ng matá, gaya ng estapiloma ng kornea
és•tas•yón 1: hintúan o páradahán ng tren at iba pang sasakyan 2: punòng tanggapan 3: gusali o pook para sa produksiyon at brodkast ng radyo o telebisyon 4: destíno1 5: sa simbahang Katoliko, labing-apat na tagpo sa búhay ni Hesus mula sa kaniyang pagkakadakip hanggang sa pagkamatay