-ese (iz) : pambuo ng pang-uri at pangngalan na nangangahulugan ng wika o mamamayan ng isang bansa o siyudad, dili kayâ’y mapang-aglahing katauhan o estilo, hal Japanese, legalese
e•sen•si•yál 1: sadyang kailangan 2: may katangian ng batayan 3: mahalagá 4: bumubuo ng esensiya ng tao o bagay
e•sép•ti•kó 1: hindi madalîng maniwala; mapagduda 2: nagdududa sa mga doktrina o turo ng simbahan o relihiyon
e•sép•ti•sís•mo 1: diin sa alinlangan1,2 o pag-aalinlangan 2: hindi paniniwala sa mga doktrina ng simbahan o aral ng relihiyon