es•té•la : palatandaan o alon ng tubig o hanging likha ng pagdadaan ng sasakyang-dagat o panghimpapawid
es•te•no•gra•pí•ya : pagsusulat sa pinaikli at pinabilis na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo
es•te•ri•li•sa•dór 1: kasangkapan o pamamaraan upang ang isang bagay ay mawalan ng dumi, bakterya, o mikrobyo 2: kasangkapan o pamamaraan upang mawalan ng kakayahang bumúhay ng haláman ang isang lupain
es•te•rí•li•sas•yón 1: paraan upang ang isang bagay ay mawalan ng bakterya o ibang buháy na organismo 2: paraan upang ang isang tao o hayop ay mawalan ng kakayahang magkaanak, karaniwang sa pamamagitan ng pagtanggal o pagbabará sa organong pangsex