gallium (gál•yum) : ele-ment na metaliko, makinis, at pinilakan ang kulay (atomic number 31, symbol Ga)
ga•lón 1: makitid na telang may palamuti tulad ng ginto o pilak na sinulid 2: guhit na naka-kabit sa uniporme, palatandaan ng ranggo, paglilingkod, at iba pa 3: súkat ng kapasidad na likido na katumbas ng 3.8 L 4: dami ng lamán ng ganitong taka-lán 5: sisidlan, karaniwan ng likido
gá•long 1: salansanan ng mga gamit pangkusina, yarì sa kawayan o kahoy 2: parisukat na duyan ng mga batà at yarì sa kawayan 3: makalumang paraan ng pagta-wid sa ilog, ginagamitan ng troli sa pagtawid ng mga pasahero 4: uri ng mababàng banga 5: kaláwit2 6: taghikáw1
gá•los : bahagyang gasgas o guhit sa balát o sa iba pang rabaw na likha ng mga bagay na may tulis o talim