gá•rol 1: pansagka sa dulo ng tikin sa ilalim ng tubig 2: anumang ginaga-mit na pansará sa kandado o sa tari ng tandang na pansábong 3: panini-gas ng titi ng batàng laláki
ga•róng 1: pananahan nang hiwalay sa karamihan, gaya ng pana-nahan sa isang monasteryo o kum-bento, o kayâ pananahan nang nag-iisa 2: patpat na gina-gamit sa pagbílang 3: anumang ginagamit bílang gulóng 4: mata-as at bilugáng basket, pinagsisidlan ng bigas, mais, at iba pang butil 5: alamíd
ga•ró•te 1: instru-mentong pambitay na may pansakal sa binibitay 2: paraan ng pagbitay sa pamamagitan ng pagsakal o pagdu-rog sa leeg
gár•ter : elastikong band, karaniwang ginagamit na panghigpit sa medyas, kasuotang panloob, at ka-tulad upang hindi malaglag
gár•ter belt : makitid na sin-turong panloob na yarì sa elastiko o telang may garter na ginagamit na panghigpit sa medyas ng babae
ga•rul•gól 1: ingay o tunog na likha ng isang bagay na hinihila sa bako-bakong daan 2: anumang tunog na katulad nitó
ga•rú•pa 1: uri ng malakíng lapulapu (Epinephelus fuscoguttatus) na naghahalò ang mapusyaw na di-law at kayumangging kulay na may mga maiitim na batík sa ulo at kata-wan 2: sa baraha, pa-nalo sa laro nang hindi man lámang nakapuntos ang kalaban