ga•tâ 1: katas mula sa pinigang kinudkod na niyog 2: katás1 3: súso1 4: pagpapa-lambot sa pamamagitan ng panana-lita
gá•tang 1: takalán ng bigas at iba pang butil na kara-niwang yarì sa láta ng gatas o biyas ng kawayan 2: takal na katumbas ng 1/8 ng isang salop 3: takal na katumbas ng tatlong litro 4: bilí 5: bung-kos ng dahon ng tabako
gá•tas : masustansiya at maputîng likidong lumalabas sa súso ng babaeng mammal bílang pagkain ng kanilang supling
gá•tas-gá•tas : uri ng yerba (Euphorbia pilulefera) at nagagamit ang dahon bílang sangkap sa pagga-wâ ng sigarilyo
gate (geyt) 1: tarangkáhan 2: daanan sa pagpasok at paglabas 3: sa airport, pook para sa pagsakay at pagbabâ sa sasakyang panghimpa-pawid 4: kasangkapan para sa pag-kontrol ng daloy ng tubig
gat•gát : tila yupi o hiwa na marka sa balát o rabaw, hal gatgat sa rehas, gatgat sa dulo ng tornilyo