hu•lu•gán 1: regular na oras o panahon upang bayaran ang hinuhulugan 2: kahong pinaglalagyan ng mga balota, sulat, at iba pa 3: bútas o hiwa ng naturang kahon.
hu•má : hindi makapagsalita o walang masabi dahil sa tákot, naga-wâng kasalanan, o kadaldalan ng kausap.
Hu•má•bon : raha ng Cebu at unang katutubò na naging Kristiyano kasáma ng kaniyang asawa, at mga tauhan.
Hu•ma•dáp•non : bayani ng Hinilawod; sa isang bersiyon, ka-patid nina Labaw Donggon at Du-malapdap; sa pangunahing bersiyon, hindi niya kamag-anak si Labaw Donggon ngunit napangasawa ang anak nitóng si Nagmalitong Yawa.
hu•má•ling 1: ang pangingiba-baw o pagsakop sa isip o damdamin ng bagay o tao na pinagnanasàan 2: tao o bagay na ninanasà
human immunodeficiency virus (hyú•man im•yú•no•de•fí•syen•sí váy•rus) : retrovirus na sumasalakay sa sistemang pande-pensa sa katawan at nakapagpapa-babà ng resistensiya nitó laban sa anumang impeksiyon
hu•ma•nís•mo : pananaw o kaisipan na higit na nagbibigay ha-laga sa bagay-bagay na pantao kaysa dibino o sobrenatural