há•ngin 1: halò ng mga gas na bumabálot sa daigdig at nagsisilbing atmospera nitó 2: espasyong nakapalibot at nása iba-baw ng rabaw ng daigdig 3: ang simoy na dumadampi sa lahat ng bagay
ha•ngò 1: pag-aahon o pag-aalis ng niluluto sa kalan 2: pag-ahon mula sa hirap 3: paghalaw mula sa isang akdang pampanitikan 4: pakikinabang sa bunga ng isang bagay 5: pang-uring hangò.
hang•yód : amoy ng hindi nahu-hugasang katawan o matagal nang suot na damit dahil sa naipong tuyông pawis at dumi