ha•ngà : damdamin ng kasiyahan, pagkagulat, o panggigi-lalas sa nakikítang kagandahan ng isang tao, bagay, gawain, o paligid
há•nga : punongkahoy (Pittosperum resineferum) na ang bunga ay may katas na parang gaás at ginagawâng gatong, karaniwang tumutubò sa mga gilid ng bundok at tumataas nang hanggang 30 m.
ha•ngá•lay : maliit na punongkahoy (Ceriops decandra) na hindi kalaguan at karaniwang nabubúhay sa gilid ng sapà o ilog
ha•ngár : palakpak na yarì sa isang biyas ng manipis na kawayang biniyak hanggang sa kalahatian ng habà
há•ngat 1: isang bagay na mas malaki at mas mataas 2: hindi maginhawang pakiramdam sanhi ng init o mainit na panahon.