há•wa 1: lánit1 2: pag-kalat at pagkapit ng anumang karam-daman mula sa isang tao patungo sa isa pa 3: pagiging sangkot 4: tao na hindi katutubò sa angkan o pamilya 5: gagambá.
Hawaii (ha•wá•i) : estado ng United States na sumasaklaw sa pangkat ng mahigit dalawampung isla sa hilagang Pasipiko
há•wak 1: pagpigil ng kamay sa anuman o anumang nása kamay 2: baywáng 3: katawán2 4: anting-anting laban sa anumang uri ng kapahamakan 5: pagkontrol o ang kinokontrol.
há•wal 1: pagpapatigil ng bangka sa pamamagitan ng sagwan 2: ng dulo ng isang mahabàng piraso ng kahoy o patpat 3: paglambot ng uten pagkatapos makipagtalik 4: galaw o kislot ng buntot ng ahas
ha•wáy 1: nakalutang sa hangin, tulad ng ulap 2: nakabitin mula sa itaas at hindi sumasayad sa lupa o sahig