hi•yâ 1: damdamin ng hindi makapagpahayag ng nais o pakay 2: saloobin ng nakagawâ ng kasalanan, kamalian, o bagay na pangit sa kapuwa
hi•yáng 1: anumang bagay na akmâ, angkop, o lapát 2: anumang nakapagdudulot ng ginhawa, gaya ng lunas na sinubukan at nakapagpabuti ng kalusugan
hi•yás 1: palamuting pangkatawan, malimit gawâ sa mámaháling metal at tinatampukan ng pambihirang bató 2: mámaháling bató 3: isang tao o bagay na may mataas na pagtatangi