juez de paz (hwés de pás) : noong panahon ng Espanyol, tao na karaniwang itinalagang hukom sa isang pamayanan
juez pesquizador (hwés pés•ki•sa• dór) : noong panahon ng Espanyol, hukom na itinalagang mag-imbestiga ng mga tiwaling opisyal
juggle (já•gel) 1: paulit-ulit at pa-ikót na paghahagis at pagsaló sa mga bola, plato, kutsilyo, at iba pa 2: pagbabago o pagmamanipula ng isang bagay upang makapandaya
ju•jít•su : paraan ng pagtatanggol sa sarili sa pamamagitan ng paggamit ng lakas at bigat upang maitumba ang kalaban
jukebox (júk•baks) : ponograpo na nása loob ng isang kabinet, may nakasalansang mga plaka na maaaring pagpilian ng nais mapatugtog , sa pamamagitan ng pagpindot sa butóng katapat ng pamagat ng napilìng plaka
jumper (jám•per) 1: manlulundag sa anumang laro 2: buong damit na walang manggas at karaniwang nakapatong sa blusa o pang-itaas na damit 3: kasangkapan upang irekta ang koneksiyon ng koryente 4: kasuotan ng mga marino, may malapad na kuwelyong nakalaylay sa likod