jay walking (jey wó•king) 1: pagtawid sa pook na hindi tawiran ng tao 2: paglabag sa wastong pagtawid sa kalsada
jelly beans (jé•li bins) : mababàng pasangasangang yerba (Sedum pachphyllum), may dahong tíla batuta, makináng na lungtiang may halòng pulá, katutubò sa Mexico at kamakailan lámang ipinasok sa Filipinas
jelly fish (jé•li fish) : pangkalahatang tawag sa lamandagat sa class Scyphozoa at kinabibilangan ng dikya at salabay
jeremiad (je•re•má•yad) : pamimighati na may sangkap na sumbat at sakdal, batay sa ganitong uri ng pahayag ni Jeremiah sa Lumang Tipan
Jeremias (he•rem•yás) : sa Bibliya, a pangunahing propeta na nakahula sa pagbagsak ng Assyria at Israel, at sa labanáng magaganap sa Ehipto at Babilonya b isa sa mga Kapitulo
jerez (he•réz) : uri ng sherry, isinunod sa pangalan ng bayan ng Jerez na bantog sa pagiging sentro ng paggawâ ng alak