ka•ha•ri•án 1: isang organisadong pamayanan o teritoryo na pinamumunuan ng hari 2: ang posisyon o ranggo ng hari 3: sa Kristiyanis-mo, ang espiritwal na paglukob ng Diyos sa isang tao 4: ang pinakamataas na kategorya sa klasipikasyon ng taksonomiya
ka•ha•tì 1: tawag noong araw sa ikaapat na ba-hagi ng piso; dalawampu’t limang sentimo at katumbas noon ng dalawang reales o kalahati ng isang peseta 2: tao na nagmamay-ari ng kalahati ng kabuuan ng isang bagay 3: kabiyak