ka•la•páy 1: borlas1 2: alulod sa mataas na bahagi, tulad ng bubong 3: palikpik ng isda 4: paggalaw ng pakpak 5: uri ng talangkang may malakíng sipit
ka•la•pì 1: kasáma o bahagi ng isang pangkat 2: salitâng nabubuo sa pamamagitan ng paglalapi sa isang salitâng-ugat
ká•la•pí•nay : palumpong (Dodonaea viscosa) na may dilaw na bulaklak at may malapakpak na bungang itim ang butó
ká•la•pí•ni 1: masangang palumpong (Pluchea indica) na kulay lila ang bulaklak 2: masangang palumpong (Pluchea indica) na kulay lila ang bulaklak