ka•lá•wit 1: kasangkapang may balikukong talim, mahabàng pulu-hán, at ginagamit sa paghawan o pagputol ng kawayan o siit 2: a anumang metal o matigas na bagay na balikuko ang dulo at nagagamit na sabitán, pansungkit, o panghúli b pagkuha ng anuman sa pamamagitan ng bagay na ito
ka•lay•káy 1: kasangkapang pangkahig ng lupa, karaniwang yarì sa bakal ang ngipin, at gawâ sa ka-hoy ang hawakán 2: suyod2 3: kaladkad na panghúli ng hipon 4: basket na pinagtataguan ng mga kasang-kapan sa kusina 5: kaluban o suksukan ng mga palasô
ka•lá•yo 1: mabalahibong palumpong (Erioglossum rubigino-sum) na may putî at mabangong bulaklak, at may tangkay na naka-kain 2: apóy1-2
Kal•bár•yo 1: Sa Bibliya, gulod na malapit sa Heru-salem na pinagpakuan kay Hesus 2: sa maliit na titik, dúsa1-4