ka•lam•bâ 1: malakíng sisidlan ng likido, may malakíng bunganga, at yarì sa luad 2: punongkahoy (Aquilaria agallocha) na may dagtang ginagawâng insenso
ka•lam•bóg 1: tunog na nalilikha ng likidong inaalog-alog sa sisidlan 2: kalampag o kalabog na nalilikha ng malakas na pagpadyak
ka•la•mis•mís 1: siga-rilyas 2: lamandagat, tulad ng kabibe, ngunit higit na maliit at manipis 3: tirá-tiráng pagkain