ka•lang•káw : uri ng isdang-dagat (Psettodes erumei) na lapád ang katawan at nása isang panig ng ulo ang dalawang mata
ka•lan•sáy 1: suporta o ba-langkas ng katawan ng tao o hayop, kasáma ang butó at kartilago sa mga tao o vertebrate, at matigas na panlabas na estruktura sa mga crustacean, kulisap, at iba pa 2: panimulang estruktura
ka•lan•ta•rì 1: pakikialam at walang-ingat na paggalaw sa isang bagay na nakaligpit 2: walang pakundangang panghihipo sa ibang tao 3: paninirang puri
ka•lan•tás : malakí at matigas na punongkahoy (Toona calantas), may maganda at mabangong kahoy na ginagamit sa paggawâ ng kahon ng tabako