ka•mi•sa•dén•tro : kasuotang panlaláki, may kuwelyo at mahabàng manggas, at karaniwang kinakabitan ng kor-bata
ka•mi•só•la 1: damit pambabae na binubuo ng pang-itaas at paldang maluwang 2: damit pantulog ng babae
ka•mi•són : kasu-otang pang-ilalim sa baro ng babae, buo ang yarì ngunit walang manggas, may tirante, at karaniwang manipis
ka•mít 1: pagkuha o pagtanggap ng isang bagay 2: pagtamasa sa isang bagay 3: pag-angkin sa isang babae 4: kalmot ng pusa sa balát