ka•nâ 1: isinaayos o inilagay sa dapat kalagyan 2: inihanda, gaya sa bitag, baril, at iba pang panlinlang
ka•nâ 1: panlilinlang ó pandaraya ng bigat sa timbangan, at katulad, salitâng-ugat ng pakanâ 2: pagtatakda ng parusa, sahod, o kabayaran 3: laban, gaya ng bun-tálan o suntúkan 4: síkap o pagsi-sikap 5: pinaikling amerikana, jaket na panlaláki 6: sa malakíng titik, pinaikling Amerikana, Kanô kung laláki 7: karát
ká•na 1: paról-parúlan 2: uri ng sila-baryang binubuo ng 73 karakter at may dalawang uri ng pagsulat 3: pagdatíng ng regla ng babae sa unang pagkakataon
ká•nab : paghuhugas at pagpapatuyo ng palay sa pamama-gitan ng pagsisilid sa isang basket upang lumutang ang ipa
ka•nál 1: artipis-yal na daanan ng tubig para sa patubig, paglalakbay, at iba pa 2: túbo o daluyang nilalabasan ng likido sa katawan 3: anu-mang katulad na anyo sa mga estrukturang kahoy