ka•ri•tón : sasak-yang panghakot, may gulóng, hini-hila ng kalabaw o báka kung malakí, itinutulak ng tao kung maliit
ka•ri•wa•rà•an 1: labis na pag-uukol ng pansin sa mga detalye na nagdudulot ng pagkabalam ng isang gawain 2: kapahamakán
kar•kár 1: pagbuklat sa naka-tiklop 2: pagpapahabà sa bagay na tulad ng lubid, pantahi, o , hibla 3: pagdalá o pagtangay ng alon sa buhangin
kar•kar•má : ikalawang kaluluwa na umaalis sa katawan kapag natatakot ang tao o nanana-kaw kapag napunta sa malayòng pook
kár•ma 1: sa Hinduismo at Budismo, doktrinang naniniwala na ang kabuuang kilos ng isang tao sa nakalipas na panahon ang ku-mokontrol sa kaniyang pag-iral sa hinaharap 2: matter na nag-uugnay sa kaluluwa bunga ng masasamâng pangyayari
kar•máy : punong-kahoy (Phyllantus acidus) na may puláng maliliit na bulaklak at may bungang tíla kamyas
kar•na•bál : pook libangan na may mga sasakyang ruweda, roller coaster, at iba pa na may kasámang mga pagtatanghal at palaro