ka•rís•ma 1: sa teolohiya, biyaya o kapangyarihang kaloob ng Diyos 2: kaka-ibang kapangyarihang espiritwal o katangian ng isang indibidwal na nakaaákit sa maraming tao 3: espesyal at kakaibang katangian ng isang indibidwal sa pamumunò at karapat-dapat igálang
ká•rit 1: kasangka-pang panggamas o pampútol ng damo, may kurbadong talim, at may puluhang kahoy 2: talim na may lampas ulong puluhan, ginagamit na pansungkit sa bungangkahoy 3: gasgas o mababaw na hiwa sa balát o anumang rabaw 4: proseso ng pagkuha sa katas ng nipa upang gawing alak o sukà
ka•ri•tón : sasak-yang panghakot, may gulóng, hini-hila ng kalabaw o báka kung malakí, itinutulak ng tao kung maliit
ka•ri•wa•rà•an 1: labis na pag-uukol ng pansin sa mga detalye na nagdudulot ng pagkabalam ng isang gawain 2: kapahamakán