ká•sa 1: báhay1 2: báhay-kalákal 3: báhay-sangláan 4: lihim na kanlungan ng prostitusyon 5: parisukat na larúan ng ahedres 6: isang set ng baraha 7: pangangáso
ka•sáb 1: pagsasalita nang pagalit 2: malakas at maingay na kampay ng isang lumalangoy 3: isda na tumalon sa lambat 4: galaw ng panga ng hayop hábang kumakain o ngumunguya
ka•sa•bi•hán 1: anumang salita, parirala, o pangungusap na naglalaman ng aral, karunungan, o katotohanan 2: idyóma2
ka•ság 1: parihabâng lambat na yarì sa sinamay na nakakabit sa magkakrus na kawayan 2: bigat o ingay ng pagtapak ng paa 3: alimasag 4: patibong na hugis kupu-la, inilalagay sa ilalim ng ilog o batis