ká•sam 1: bálak1,2 2: lihim na planong isinasagawâ upang isiwa-lat sa isang takdang oras; sorpresa bílang isang programa o pagdiri-wang
ka•sá•ma 1: kasapi o kalahok sa isang gawain o tungkulin 2: anumang bagay na kalakip o ibinilang 3: kapisan sa isang tiráhan 4: kapanalig sa isang kilusán, samahán, o katulad
ka•sa•nà•an : pook na tirahan ng mga demonyo at ng ma-sasamâng kaluluwang nagdurusa dahil sa kasalanan
ka•sa•na•yán 1: isang tiyak na nakukuha o pinag-kadalubhasaang kakayahan 2: kakayahang gawin ang isang bagay nang mahusay
ka•sang•gu•nì : tao na sinasangguni o hinirang upang sangguniin sa pagbibigay ng kaala-man, paglutas ng problema, o pagpapayo
ka•sang•ká•pan 1: anumang gamit na hinahawakan upang tapusin o tupdin ang isang tungkulin 2: mga bagay na ginagamit sa tahanan, tanggapan, at iba pang establisimyento 3: anuman o sinumang nagagamit 4: isang software na tumutupad sa isang partikular na tungkulin, kara-niwang lumilikha o bumabago ng ibang program