ka•ta•ú•han 1: kata-ngiang mental at moral na ikinaiiba ng isang tao 2: ang likás na ikinatatangi ng isang bagay o tao
ka•ta•wán 1: pisikal na kabu-uan ng isang tao o hayop 2: ang pinakamalakíng bahagi ng tao na binubuo ng dibdib, tiyan at pusón, batok, likod, at balakang 3: sa punongkahoy, ang kabuuan mula sa punò hanggang sa kinahuhugpungan ng mga sanga 4: káha4 5: pagbibigay ng gawain sa iba o paggawâ sa trabaho ng iba
ka•ta•wáng-tá•o : anyo ng tao, karaniwang naga-ganap sa banyuhay ng abstrakto o nilaláng na hindi tao at nagiging tao
ká•tay : paraan ng pagpatáy sa hayop, gaya ng pag-aalis ng balát, pagpuputól-putól ng katawan, at pagtadtad
ka•ta•yú•an 1: posisyon o puwesto sa isang tiyak na panahon at kaligiran 2: puwesto o posisyon sa klase, opisina, at samahan 3: antas ng búhay at kalusugan