ká•ti•tér : pa-yat na túbong gawâ sa metal, goma, o plastik na ipinapasok sa panloob na daluyan ng katawan
ká•ti•ti•kán 1: buod ng mga pinag-usapan sa pulong 2: opisyal na memorandum na nagbibigay ng pahintulot sa pagsasagawâ ng mga gawain
ká•ti•wa•li•án 1: anumang lihis o paglihis sa naka-mihasnan, pamantayan, normal, at inaasahan 2: pagli-his sa panuntunan 3: korupsiyón1