ka•yà 1: anumang kasangka-pan sa pangangaso 2: paghahanap ng buwaya sa ilog o ng tao na nagtatago sa bundok
ká•ya 1: súkat ng sariling lakas ng katawan o ng pag-iisip 2: kalagayan sa búhay sa paggawâ o pagtupad ng gawain 3: kala-gayan sa búhay sang-ayon sa pagkakaroon ng salapi
ka•yá•bang : pambabaeng basket na matibay, hugis trumpeta at parisukat ang puwit, maaaring maglamán ng mabibigat na bagay, at binubuhat sa pamamagitan ng sintas na isinasabit sa ulo
ka•yag•kág : uri ng lambat na ibinibitin sa rabaw ng tubigán, at may mga bútas na sapat upang lumusot ang ulo ng isda at masabit ang hasang
ká•yak : bangkâng ma-gaan ng mga Eskimo, sinasakyan ng isang tao, at may balangkas na kahoy na nababalutan ng balát ng poka
ka•yá•kas 1: tuyông dahon, lalo na ng mga palma at mga halámang kauri ng saging 2: tunog ng tuyông dahon na kina-kaladkad 3: uri ng lambat
ká•yam 1: pag-ása 2: punongkahoy (Inocarpus edulis) na pinakukuluan ang bunga na kahawig ng kastanyas