ku•líng 1: pagbawi ng pangako 2: malakí at walang balahibo sa ulong myna (Sarcops calvus), itim ang balahibo na may mga bahid na pilak at putî at may pink na balát sa paligid ng matá
ku•líng-dá•gat : katamtaman ang laking martines (Aplonis pana-yensis), itim ang balahibo na may haplos ng lungtian at mapusyaw na mga bátik na itim
ku•lin•táng : hanay na binubuo ng walong gong na may iba’t ibang eskala, at karaniwang pinatutugtog sa mga pagdiriwang
ku•lí s : maliit na punongkahoy (Memecylon ovatum) na 8 m ang taas, may dahong biluhabâ, matingkad na bughaw ang bulaklak, at may kulay lilang prutas
ku•lí•sap 1: anu-mang maliit na hayop (class Insecta) na may anim na paa at karaniwang may isa o dalawang pares na pakpak 2: unang yugto ng pagbaban-yuhay ng kuto
ku•lí•si : laro tuwing lamay na pinagpapása-pása ang singsing o barya ng mga manlalarong pabi-lóg ang puwesto o ayos, at huhula-an ng tayâng nása gitna kung sino ang humahawak nitó