lam•bít 1: pakiusap para sa isang bagay ng babae sa kaniyang asawa 2: pagsasabit ng isang bagay na isinasabit.
lam•bi•tâ 1: paraan ng pagtatrabaho na nagpapalipas lámang ng oras hábang hinihintay ang uwian 2: kambing na lalaki na nása panahon ng pangangasawa.
lam•bí•tin : kumapit nang mahigpit sa mataas na bagay hábang nakabitin ang katawan gaya ng ginagawâ ng unggoy
lam•bóng 1: maitim na pantakip o pantábing sa uluhan ng isang tao o pook 2: saplot na itim, pantakip sa ulo at mukha, at karaniwang ginagamit sa paglu-luksa 3: tagiliran.