lá•not 1: pagninisnis ng lumang damit 2: pagpapa-lambot , sa anumang matigas 3: unti-unting paghila sa lubid o haligi 4: makinis na baging (Sene-cio scandens), hugis sibat ang da-hon, at hugis tainga ng tao ang tangkay 5: hi-maymay na hindi pa hiwa-hiwalay, gaya ng lánot na abaka 6: malabnaw na lugaw
lan•sa•dé•ra : ikiran ng sinulid na may dalawang matulis na dulo, ginagamit upang dalhin ang mga pahaláng na sinulid sa pagitan ng mga paayón na sinulid
lan•sák 1: maramihan o sáma-sáma, gaya sa pagbili na pakyaw 2: minsánan 3: salot 4: tingnan pangngalang palansak
lan•sák 1: kasunduan o sab-watan ng dalawa 2: transaksi-yon sa pantay-pantay na paghahati 3: paghalo-haluin 4: pagtulad at pakikisáma sa kaugalian ng iba 5: sálot1
lan•sáng 1: nása direksiyon tú-ngo sa harap, o direksiyon kaharap ng lumalakad o naglalakbay 2: nása posisyon upang sumu-long o magtagumpay 3: nása posisyon túngo sa hinaharap