lá•bon 1: maglagà ng halámang-ugat 2: maglaga ng isda sa tubig at asin, at pagkatapos ay patuyuin ito sa araw upang hindi mabulok.
labor (la•bór, léy•bor) 1: gawaing nangangailangan ng matinding pagsisikap na pisikal at mental 2: proseso ng panganganak, lalo na ang simula ng kontraksiyon ng matris hanggang sa paglabas ng sanggol.
la•bót : nakortang gatas mula sa tiyan ng guya, nagtataglay ng rennin at ginagamit sa paggawâ ng keso