lá•hab 1: ukit, yupi, o markang naiwan sa kahoy, malambot na metal, o anumang katulad nitó 2: bakás na dulot ng pagbugbog.
lá•had 1: pagpapakita ang mga bagay na itinago 2: pagbubukás ng palad o pag-aabot ng kamay 3: pagbubuklat o paglalatag 4: pagpapaliwanag o pagsasalaysay
lá•hang 1: paglalim ng sugat o pagkakaroon ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan 2: patayông lamat sa rabaw ng kahoy 3: mahabàng bitak sa bató o anumang babasagín.