la•lâ 1: naging higit na matindi o masakít gaya ng luma-lâng karamdaman o away 2: namihasa sa isang masamâng gawaing napasimulan na
lá•la 1: pagbuo ng sawali, banig, basket, at iba pang kauri sa pamamagitan ng pagsasalit-salit ng himaymay ng kawayan, bule, pandan, at katulad 2: paghahan-da ng gantimpala o kaparusahan.
la•la•gú•kan : pag-usli ng kartilago ng thyroid na nabubuo sa may lalamunan at karaniwang nakikíta sa mga lalaki
la•lag•yán : anu-mang bagay, tulad ng kahon o bote na naglalamán ng nais itago, ingatan, at pangalagaan
la•lá•ki 1: sex na nakabu-buntis o nakakapagdulot ng bunga sa pamamagitan ng pertilisasyon o inseminasyon 2: halámang nagtataglay lámang ng bulaklak na hindi nagdudulot ng bunga o binhi 3: disenyong lapat sa bahaging babae 4: pormal o akti-bong prinsipyo ng kosmos 5: kaapid ng babae.