lar•ga•bís•ta : teleskopyo na binubuo ng dalawang magkatabíng lenteng itinatapat sa dalawang matá, upang makíta ang anumang nása malayò
lar•gá•do 1: walang takda o hanggáhan ang paggasta 2: mahabà ang talì, gaya ng saranggolang pinalilipad.
lár•ga má•sa : pinaghalòng sukát na dami ng semento, buhangin, graba, at tubig, bukod pa ang inilagay na kabilya upang higit na tumibay.