lá•ta 1: malambot at kulay pilak na metal na ginagamit sa paggawâ ng iba’t ibang kasangka-pan 2: sisidlan na karaniwang yarì sa metal
lá•tag 1: paglaladlad ng bagay na nakabalumbon 2: pagpapahayag ng kurò 3: paglalagay sa patag na pook katulad ng sahig, kama, o lupa
lá•tay 1: namumulá o nangingitim na bakás ng palò o hampas ng latigo sa balát 2: básag ng isang sisidlan, na iba sa lamat sapagkat hindi ito tuloy-tuloy 3: isang uri ng silo na ginagamit sa panghuhúli ng ibon