la•tód : lasa, latoy, o linamnam, ginagamit na kasáma ang salitâng walang, hal “Walang latod ang inihaing pagkain.”
lá•tok 1: mababàng hapag kainan na yarì sa kahoy 2: kahoy na palanggana 3: baging (Telosma procumbens) na nakakain ang bunga ngunit nakalalason ang mga dahon
la•tóy 1: sigla, sarap, o anumang pang-akit ng isang pangungusap, bagay, ugali, at iba pa, karaniwang nása anyong negatibo, gaya sa walang latoy na palabas 2: sítaw.