lu•pà 1: mapipinong butil na naiiba kaysa bató, graba, at iba pa 2: ari-ariang gaya ng lote, bukid, asyenda, o rantso 3: alikabók 4: ilalim ng bahay; ibabâ ng gusali 5: kamunduhan1
Lu•pà 1: panlimang pinaka-malaking planeta sa sistemang solar at pangatlong pinakamalapit sa Araw; may diyametrong 12,681.6 km 2: planetang tinitiráhan ng tao at iba pang may búhay
lú•pa 1: lupà1; pútik 2: pakay o pakiramdam sa paglalakbay sa bundok at kagubatan nang hindi naliligaw 3: mukhâ1
lu•pa•gî 1: nakaupô nang nakasalampak sa sahig 2: naubos ang kabuhayan; nabigo sa pangangalakal o labanan
lu•pá•gi 1: pag-upo sa sahig nang walang sapin 2: pagiging tamad o mahinà at walang ginagawâ kundi maupô at tumingin sa kawalan
lu•pák 1: magbayó ng palay upang maihiwalay ang ipa sa bigas 2: mag-alis ng upak ng halámang gaya ng tubó
lu•páy•pay 1: labis na panghihinà dahil sa kawalan ng pag-asa 2: paglungayngay ng mga bisig o ng pakpak kung mga ibon, dahil sa labis na págod