lú•ya 1: halámang (genus Zingiber) tuwid at makinis, malamán at mabango ang ugat, sálítan ang mga biluhabâng dahon na matutulis ang dulo 2: bagal
lú•ya-lu•yá•han : damong (Curcuma zedoaria) lumalakí ang ugat, malamán, at malago, tumutubò nang dalawahan ang lungting dahon na may bahid na lila sa dákong gitna, at karani-wang nauunang tumubò ang bulak-lak kaysa dahon
lú•ya•ná : kalagitnaan ng Pebrero hanggang kalagitnaan ng Marso, panahon ng paglilipat ng mga punlang palay