ma•rá•pat : angkop na katumbas sa laki, uri, o antas, hal marapat na bayad sa serbisyo, mara-pat na gantimpala sa uri ng produkto
má•ras : pag-aalay ng pagkain sa mga espiritung nanganga-laga sa mga pinutol na punongkahoy sa pagkakaingin
ma•ras•ca (ma•rás•ka) : ilahas na cherry (Prunus cerasus marasca) na may maliliit na bu-ngang nagagawâng alak
marasmus (ma•ráz•mus) : pangangayayat at panghihinà nang walang matukoy o tiyak na dahilan, karaniwan sa mga sanggol
ma•ra•ta•bát : dangál o labis na pagpapahalaga sa dangal na malimit humantong sa mahabà at madugong alitan ng mga pamil-ya