ma•ri•pó•sa 1: uri ng paruparong higit na matingkad ang kulay ng pakpak at malakí kaysa karaniwan 2: tíla paruparong pag-bubuhol sa kurbata 3: palum-pong (Phalaenopsis amabilis) na maliit ang punò, madagta ang da-hon, may batik na pulá ang putîng bulaklak, at higit na malakí kaysa dahon nitó
már•ker 1: bató o poste, na ginagamit bílang pananda sa isang posisyon, pook, at iba pa 2: tao o bagay na panan-da 3: pansulat na malakí ang dulo 4: anumang pananda sa aklat
már•ke•tíng 1: pama-maléngke 2: kabuuan ng mga gawa-in na nakaaapekto sa paglilipat ng titulo o pagmamay-ari ng mga kala-kal mulang nagbebenta hanggang namimíli, kabílang ang anunsiyo, transportasyon, pag-iimbak, at pag-bibilí
Mark•sis•mó : ang pampolitika at pang-ekonomi-yang teorya batay sa mga isinulat nina Karl Marx at Freidrich Engels