mainframe (méyn•freym) 1: yunit para sa central pro-cessing ng computer 2: malawak na sistemang pang-computer
mainstay (méyns•tey) 1: ang pangunahing tagapagtaguyod 2: pangunahing lubid sa layag 3: pinakamahalagang manlalaro
mainstream (méyns•trim) 1: namamayaning idea, layunin, moda, at katulad 2: pangunahing direksiyon ng agos ng ilog 3: uri ng jazz na nagsimula noong 1930, may estilong swing at may solong improbisasyon sa pagkaka-sunod-sunod ng nota
ma•ís 1: haláman (Zea mays) na tumataas nang 2-4 m, mahahabà ang dahon, at may i-sa o dalawang pahabâng bunga na mabutil 2: tawag sa bunga nitó
ma•í•seg : mandirigmang nakapatay ng dalawampu’t limang kaaway at may karangalang mag-suot ng itim na damit at puláng bulaklak sa ulo