man•ta•lá 1: mga salitâng katulad ng sa pagpapalayas ng masamang espiritu o orasyon 2: uri ng maliit na punongkahoy
man•ta•ló•na 1: lona o ma-kapal na tela na ginagawâng layag 2: anumang sapin sa likod ng sina-sakyang hayop
man•te•kíl•ya 1: ang masebong bahagi ng gatas, karaniwang maputî o manilaw- nilaw at humihiwalay kapag binatí o inalog ang gatas 2: ang substance na ito na sadyang ginawâ para sa pagluluto 3: anu-mang malagkit o tíla pagkit na ipi-nalalamán sa tinapay
man•te•ne 1: panatilihin; magpatuloy 2: tulungan 3: magbigay ng tulong para sa pangangalaga at pagpapanatili ng isang gusali, daanan, at katulad
mán•tis : insekto (family Mantidae), na may mahahabàng paa at tíla nagdarasal hábang naghihintay sa biktima