me•nó•ra : sagradong kan-delabra na may pitóng sanga na ginamit sa Templo ng Jerusalem, gawâ ni Bezalel at inilagay sa santuwaryo ng Tabernakulo
men•sá•he 1: kalátas1 2: a nakaeengganyo o makahulugang komunikasyon mula sa isang propeta, manunulat, pi-nunò, at katulad b ang sentro ng kahulugan ng isang malikhaing akda
menses (mén•ses) 1: dugo at iba pang sangkap na luma-labas mula sa sinapupunan kapag may regla 2: ang panahon ng pag-reregla
Menshevík (men•syé•vik) : kasapi ng minoridad na pa-nig ng Partido Sosyalista ng Russia na hindi kasang-ayon sa mga tuntunin ng Bolshevik
menstruation (men•tru•wéy•syon) : ang proseso ng paglalabas ng dugo at iba pa mula sa daanan ng bahay batà sa mga babaeng hindi buntis, may patlang na isang buwan bago maganap mu-li hanggang sumapit ang menopos
-ment 1: pambuo ng pang-ngalan na nagsasaad ng nais ipaka-hulugan o resulta ng aksiyon ng pan-diwa, hal abridgement, embankment 2: pambuo ng pangngalan mula sa pang-uri, hal oddment