mét•ro•pó•li•tán 1: ukol sa mga katangian ng metropolis at ng mga naninirahan dito 2: may kinalaman sa bumubuo ng isang bansa 3: ukol sa isang eklesyastikong pook
-metry (mét•ri) : pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng mga pamamaraan at sistema na tumutu-gon sa mga kasangkapan, hal chronometry, photometry, psycho-metry
mezuzah (me•zú•sa) : per-gamino na pinaglimbagan ng mga banal na kasulatan at nakakabit sa isang kahon sa may poste ng pinto ng isang bahay ng Hudyo bílang simbolo ng pananampalataya
mezzo-soprano (mét•zo sop•rá•no) 1: a tinig ng babae sa pagitan ng soprano at kontralto b mang-aawit na may ganitong tinig 2: bahaging sinulat para sa mezzo-soprano