mó•men•túm 1: kan-tidad ng galaw ng isang kumikilos na bagay, sinusúkat bílang produk-to ng mass at bilis nitó 2: lakas na likha ng paggalaw 3: lakas na mula sa panimulang kilos
mó•nad 1: bílang na isa o isang yunit 2: alinman sa mga yunit ng pag-iral 3: alinman mga ng pag-iral sa yunit organismo, lalo na ang ipinalalagay na pinag-mulan ng mga nabubúhay
Mona Lisa (mó•na lí•sa) : popular na tawag sa La Gioconda na iginuhit noong 1503–1506 ni Leonardo da Vinci
monandry (mó•nan•drí) 1: ang kaugalian ng pagkakaroon ng isang asawang laláki lámang 2: ang kalagayan ng pagkakaroon ng iisang stamen
mo•nár•ka 1: soberanong may titulong hari, reyna, emperador, at katulad 2: pinakamataas na pinu-nò 3: makapangyarihan at dakilang tao
monastery bells (mó•nas•té•ri bels) : gumagapang na pa-lumpong (Cobaea scandens) na may bulaklak na tíla kampana, lima ang hati, 5 sm ang habà, at kulay li-la o maberde-berdeng lila, katutubò sa Mexico at karaniwang makikíta sa mga hardin ng Baguio