ne•ga•tí•bo 1: pahayag, sagot, o kilos na kasalungat ng positibo 2: pag-ayaw at paghindi 3: simbolo ng subtraksiyon (-) 4: imahen sa film na ginagamit upang makagawâ ng retrato 5: karga ng elektrisidad; elemento ng voltaic cell
negative averment (ne•ga•tív a•vér• ment) : alegasyon na negatibo ang anyo ngunit positibo ang nilalamán o epekto, at kailangang magpatunay ang gumagawâ ng alegasyon
negative covenant (ne•ga•tív ko•ve• nánt) : probisyon sa isang kasunduan o kontrata na nag-babawal sa empleado na makipag-kompetisyon sa pook o pamilihan ng nag-empleo
negative easement (né•ga•tív ís•ment) : pagbabawal sa esta-dong maglingkod sa may-ari hinggil sa paggawâ ng bagay na maaari sana nitóng gawin alinsunod sa batas
negative pregnant (ne•ga•tív prég• nant) : sa paglilitis, isang negatibo na nagpapahayag din ng kahulugang positibo o pagsang-ayon
negligence (nég•li•dyéns) 1: kapabayaán 2: hindi paggawâ ng isang tungkulin na itinatadhana ng batas 3: ang paggawâ o hindi pag-gawâ na lumilikha ng pinsala sa ibang tao 4: kawalan ng ingat o malasákit sa karapatan ng ibang tao
ne•gos•yas•yón 1: talakayan at pagsasaayos ng da-lawang panig hinggil sa nilalamán ng transaksiyon o kasunduan 2: proseso ng pakikipag-ayos