nitrogen fixation (nayt•ro•dyén fik• séy•syon) : kumbersiyon ng nitrogen gas sa nitrogenous compound dulot ng bakterya na gumagawâ ng nitrogen at maaaring magamit ng lahat na organismo
nitroglycerine (náy•tro•glis•ár•in) : walang kulay, makapal, sumasabog, at bahagyang nalulusaw na likido CH2NO3CHNO3CH2NO3, inihanda mula sa glycerol na may mga nitric at sulfuric acid
nitrous (náy•trus) 1: tumutukoy sa mga compound mula sa niter, may higit na kaunting oxygen kaysa nitric compound 2: may nitrogen
nó•ta 1: talâ 2: maikling sulat o liham 3: nakasulat na puná 4: karakter na kumakatawan sa tono 5: úten
Nó•ta Bé•ne : karaniwang nakasaad sa hulíng bahagi ng doku-mento upang bigyang halaga ang ilang pansin at instruksiyon
no•tár•yo púb•li•kó : sinumang awtorisado ng estado o pamahalaan na mangasiwa sa mga panunumpa at magpatunay sa pirma